MASUSING BANGHAY SA PAGTUTURO NG ARALING-PANLIPUNAN

MASUSING BANGHAY SA PAGTUTURO NG ARALING-PANLIPUNAN

Ikalawang Baitang

I. LAYUNIN

Sa  katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

  • maibigay ang mga yamang tao sa pamayanan;
  • masabi ang tungkulin at serbisyo ng bawat yamang tao sa pamayanan; at
  • maipakita ang pagkakaiba sa kaanyuan ng bawat isa.

II. PAKSANG ARALIN

  • Paksa: Yamang Tao: Produkto at Serbisyo
  • Kagamitan: Laptop na may Internet at Projector
  • Mabuting Asal: Pagkakaisa ng Layunin. Damdamin, at sa Gawain

 III. PAMAMARAAN

  1. Panimulang Gawain
  • Panalangin
  • Pagbati
  •  Balik-Aral

Pambansang Simbolo ng Pilipinas.

http://www.youtube.com/watch?v=Y_FMclNoBPs&feature=related

Panuto: Sagutin ang mga tanong.

Ipapakita ng guro ang larawan at sasagutin ito kung anong sagisag ito ng bansa.

       2. Paglinang ng Gawain

  • Pagganyak

http://www.onetruemedia.com/otm_site/auth_preview?work_id=18410479

Ano-ano ang inyong mga nakita sa ating napanuod? Maaari niyo bang sabihin kung sino-sino sila?

  • Paglalahad

YAMANG TAO: PRODUKTO AT SERBISYO

              Napakahalaga ng yamang – tao ng isang bansa. Lahat ng mamamayan ay nakikinabang sa mga produkto at serbisyong ihahatid ng mga ito. 

              Ang mga kasapi ng pamilya na naghahanapbuhay ang gumagawa at kumikita para sa pangangailangan ng mag-anak. Sila ang yamang – tao ng bansa.
Mga Yamang Tao na Nagbibigay ng Produkto
Pangunahing kailangan ng mga mamamayan ang produktong tulad ng pagkain, damit at tirahan. May mga mamamayang nagtutulungan upang tugunan ang pangangailangang ito.
1. Magsasaka
 
 
       Ang mga magsasaka ang nagtatrabaho upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa pagkain. Kailangan dito ang bigas, gulay, prutas at pagkaing ugat tulad ng kamote, patatas, ube, at iba pa. Sila ang nagtatanim at nag-aani ng mga produktong ito ay nabibili sa mga pamilihan.
 
2. Mangingisda
 
          Hinuhuli ng mga mangingisda ang mga isda at mga pagkaing dagat tulad ng hipon, alimasag at pusit.
 
3. Arkitekto
        Inihahanda ng arkitekto ang mga plano ng bahay, gusali at mga disenyo na bahagi ng iba’t-ibang konstruksyon. Katulong niya ang inhinyero upang mapabuti at maayos ang plano sa anumang gagawing konstruksyon.
 
4. Panadero
 
      Ang panadero ang gumagawa ng tinapay at iba pang mga produktong gawa sa arina tulad ng cake, biskwit at cookies.
Manggagawa

     Ang mga manggagawa naman ang gumagawa sa maraming produktong kailangan ng mga mamamayan. Sa mga pabrika sila nagtatrabaho. Sila ang taga-gawa ng mga bagay na nabibili sa mga pamilihan tulad ng sabon, asukal, kape at iba pa.
1. Mananahi
     Gumagawa ng mga damit para sa mga mag-anak ang mananahi. Kabilang din sa kanilang  ginagawa ang kurtina, punda ng unan, sapin sa kama at mantel.
2. Minero
       Kinukuha ng minero ang mga likas na kayamanan tulad ng ginto, pilak, bakal at iba pa. Ang mga ito’y ginagawang alahas. Sila rin ang nagmimina ng semento, buhangin, apog at marmol ng ginagamit sa paggawa ng bahay.
3. Magtotroso
       Pinuputol ng magtotroso ang mga katawan ng punong malalaki at matatanda. Gingamit ang troso sa paggawa ng bahay at iba pang mga bagay.
Mga Yamang Tao na Nagbibigay ng Serbisyo
   

  Nagbibigay rin ng mga serbisyo o paglilingkod ang yamang tao upang matugunan ang panagngailangan ng pamayanan.
 

1. Doktor

          Gawain ng doktor ang gamutin ang may mga sakit.
 2. Nars
 
 
       Gawain ng nars ang pangalagaan ang kalusugan at tulungan ang manggamot o doktor.
3. Dentista
 
      Ang dentista ang nangangalaga sa ngipin ng mga mamamayan.
4. Guro
    Mahalagang serbisyo ng mga guro ang turuan ang mga batang magbasa, magsulat at magkwenta. Tinuturuan din ng yuro ang mga bata na maging mabuting mamamayang at lumaking may magandang asal.
5. Pulis
     Tumutulong ang mga pulis upang maging ligtas sa panganib ang mga tao. Pinangangalagaan nila ang katahimikan at kaayusan ng pamayanan. Sila ang humuhuli sa mga taong hindi sumusunod sa batas.
6. Kaminero
      Magkatulong ang kaminero at tagahakot ng basura sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng pamayanan. Sa tulong nila, naiiwasan ang pagkalat ng mga sakit na dulot ng maruming paligid.
7. Tsuper
     Ang pagmamaneho ng dyip, bus, traysikel at taksi ang serbisyong ibinibigay ng mga tsuper. Sa tulong nila, nakararating sa iba’t-ibang lugar na pupuntahan ang mga mamamayan. 
8. Karpintero
     Pangunahing gawain ng mga karpintero ang pagtatayo ng mga bahay at iba pang mga gusali. Kinukumpuni rin nila ang mga sirang muwebles.
9. Tubero
    Ang pagkukumpuni ng sirang gripo ay serbisyo ng mga tubero. Sila ang katulng ng pamayanan sa pagkakaroon ng tubig sa kabahayan.
10. Bumbero
     Serbisyo naman ng mga bumbero ang pagsagip ng mga bahay at gusali sa sunog. Buhay ang puhunan ng mga bumbero. Peligroso ang ganitong gawain. 

 IV. Pagtataya

Ako ay may ihihandang pagsusulit upang makita kung sino ang nakaunawa ng ating aralin ngayon.

Pumunta sa: http://www.proprofs.com/quiz-school/story.php?title=aralingpanlipunan

Piliin ang tamang tinutukoy na yamang tao sa pangugusap. 

Good luck! :)

V. Kasunduan

Maglista ng iba pang yamang taong kabilang sa populasyong nagbibigay ng produkto. Isulat ang mga produktong kanilang naibigay.

VI. Pagdarasal

Paalam mga bata! :)))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s